~^CANAL-word for the day^~
Wednesday, June 3, 2009
9:30am
Nagising ako sa isang kalabog sa pintuan. BOOhhGgg! Ayun, dagliang naimulat ko ang aking mga mata. Pupungaspungas pa ako. "Anu ba yon?" tanong ko agad.. Isang tinig ang aking narinig "Gising na!!!!" sagot ni Tita Nora. Alam kong daig ko pa ang tanod sa laki ng eyebag ko. Wala kasi akong tulog, ay mali! hindi ako nakatulog. Balik tayo sa umaga, bumangon ako agad tapos naghilamos, bumaba para kumaen (nasa 2nd floor kaso yung kwarto). Pagkatapos ng masarap na kainan, eto na ang masaklap, ang hugasan.. at ang masaklap ay ako ang nakatoka ngayon. hayy.. Hugas.. Sabon.. Banlaw.. Presto! Haha. Natapos na..
10:30am
Maliligo na muna ko.. Ay mali! Pinapaligo na ko.. Aalis daw kasi kami.. "Sabi kahapon hindi daw tuloy sa dentista, san kaya pupunta?" Dumeretso na ko sa banyo, umupo sa inidoro, nag-isip ng nag-isip hanggang sa mauubos ang oras nang bigla kong marinig ang pangalan kong isinisigaw na. Balik na ulit sa sarili, naligo ng mabilis pero malinis, nagbihis ng damit na nakasabit, at dahang-dahang bumaba sa hagdan.. slow motion pa, na may kasamang musika sa aking tenga.. kasing bagal ng isang pagong, hanggang sa marating ko ang huling hakbang, may malaking salamin, ako'y tumingin, "Ang ganda!" yun lang ang aking nasabi.. Haha! Balik na ulit sa sarili, (anu ba yan.. nawawala pala ako sa sarili ko.. aDeekk...!) Takbo sa kotse, sakay agad..
11:00am
Habang lumipad nanaman ang aking isipan at nag-isip.. kung san ba talaga pupunta.. Biglang huminto ang sasakyan, bumaba ang mga kasama ko,. Nasa labas kami ng isang ospital: TROMA- yun yung tawag nila. Hindi ko sigurado kung tama ba ang pagkakaisplika ko, o tama ba ang pandinig ko? pandinig? hMm.. bakit naitanong ko kung tama ba ang pandinig ko? Dumeretso sa 2nd floor, nakakatakot ang ospital ay mali! natatakot ako sa ospital.. pakiramdam ko mas marami akong kasamang patay kesa sa buhay! Haha! Mala-sementeryo ang aking pakiramdam.. Parang isang taong inaantok pero pinipigilang matuog, parang isang asong natatae pero nakakulong, at higit sa lahat parang isang adik na walang pangbatak! Haha! Kakaibang pakiramdam.. Balik tayo sa aking sarili, ENT isa sa mga nakasulat sa pinto.. Naghintay kaming tawagin ang pinakamagandang pangalan, ang pangalan ko.. Huhu! Ayun, pinatignan sa isang espesyalista ang aking mamahaling tenga, makalipas ang katakot-takot na mga bagay, salita, at kanchawan, natapos din.. Ok na ulit! Bumukas ang langit at lupa.. Haha!
12:00pm
Sakay ulit sa kotse, dumeretso sa clinic.. nagpa-x-ray ng ngipin.. Nung isang linggo kasi, nagka-root canal ako.. tooth#11.. Kaya pina-x-ray ulit.. para daw malaman kung ok na ba talaga..
12:30pm
Sakay ulit sa kotse, next stop? sa bahay na.. Kumaen.. Nakakagutom talaga kapag madaming pinupuntahan.. Habang kumakain, napag-usapan ang swimming,. Swimming na ksi ang PE ko sa pasukan.. Kaya naisipang magswimming.. Mas mabilis pa sa pagluto ng instant noodles ang pagdedesisyon nila.. Haha! Tapos ng kumaen ang lahat, at eto nanaman ang masaklap, ako ang tagahugas,,. Nagmamadaling maghugas ng pinggan..
2:00pm
Sumakay sa kotse.. Deretso tapos kumaliwa tapos isang segundo pa, huminto.. YMCA..
Swimming na.. Pinaulit-ulit akong pinalangoy sa pool.. Hayy.. nakailang-Bubbles na ko.. Magsanay na daw ako para sa darating na pasukan.. Haha! :)
Blogged @ 6:43 AM |
0 comments

