isusuka=isusuko
Monday, August 10, 2009
Sa tuwing ako ay kumakain, kaunti man ito o madami, malaki man o maliit, at kahit gaano man ito kasarap,pag dating sa huli, nakakaramdam ako ng parang gusto kong isuka ang aking kinain. Nakakainis. Ayokong isuka yung kinain ko eh. Lalo na kung masarap. I mean, di naman ako kumakain ng hindi masarap na pagkain, pero minsan, masarap talaga, tapos makakaramdam ako ng pagsusuka.
Maihahalintulad ko ito sa pagmamahal mo sa isang tao. Minsan kahit gaano na kayo katagal, kahit gaano kayo kasweet sa isa't isa, kahit gaano ninyo kamahal ang isa't isa, at kahit gaano kayo ka-OK, dadating at dadating din ang panahong, isusuko mo siya sa di malamang dahil kagaya ng pagsuka mo sa masarap mong kinaen..
Di malamang dahilan. Totoo yun. Nung mahalin mo ang isang tao, wala ka din namang dahilan di ba? bigla mo na lamang naramdamang mahal mo na siya.. Kagaya lang din yun sa pagkawala ng pagmamahal mo sa kanya.. Di malamang dahilan. Biglaan. Nakakagulat. At higit sa lahat, hinding hindi ka makakaiwas kahit saan ka pa pumunta at kahit saan ka pa magtago..
Blogged @ 6:31 AM |
0 comments

