masama bang magmahal?
Wednesday, October 21, 2009
"iwan mo na siya,."
"mali yan!"
"nu bang ginagawa mo sa buhay mo!!"
Pero ano ba ang tama? Ang gawin mo ang isang bagay na makapagpapasaya sa'yo na sa tingin ng iba ay mali? o gawin ang isang bagay na makakasakit sa damdamin mo pero sa tingin ng iba ang tama?
Nung makilala ko siya, naging sobrang saya ko.. kahit na ang tanging communication lang namin ay cellphone.. at hindi pa araw-araw o minu-minuto kung magkausap pero pinasasaya niya ko sa bawat mensaheng galing sa kanya. Wala akong napansin o nakitang senyales na siya pala ay hindi na binata.. Sinabi niya na sakin na may baby siya pero hindi ako naniwala sa dahilang isang siyang palabirong tao, pero nang aking makumpirma ang lahat, doon na nagsimulang gumuho ang aking mundo.. Nag-iba siya, hindi na siya kagaya ng dati.. Siguro ay nahihiya na, dahil sa alam ko nang may asawa siya.. ang aming communicationa ay mabagal pa sa takbong ng mga kotse sa EDSA kung lunes ng umaga..
Ang kanyang mga mensahe ay maikli pa sa buntot ng butiki.. Kahit ganun ay masaya pa din ako sa simpleng communicationg meron kami.. Habang tumatagal ay pabawas ng pabawas ang aming munting communication hanggang sa dumating sa puntong wala na pala..
Nilunod na niya ang puso ko..Pano ako makakaahon? Masyadong natatak sa isipan ko ang lahat.. Matatagalan bago siya kumupas sa isipan ko.. Ayokong isiping makakalimutan ko siya, naghihintay pa din kasi ako sa panahong, magiging ok din kami.. sa panahong, tama na kami sa paningin ng iba, sa panahong, wala ng huhusga saming dalawa.. sa panahong babalik xa..
Blogged @ 1:48 AM |
0 comments

