unang araw
Thursday, October 22, 2009
Ang hirap matulog kagabi.. kasi nagigising ako.. nakakabadtrip.. sa tuwing nagigising ako, naaalala ko lang lahat..
hayy.. sana makalimot na ako.. ayoko na siyang makita..
9am nagising ako.. kakaiba kasi for the past few days, ang aga ko talaga nagigising around 7 to 8 am gising na 'ko.. napaisip ako nang makita ko yung oras sa cp ko na 9am na pala.. umiiyak nga pala ako.. kaya siguro mejo tanghali na ako nagising..
Binasa ko mga messages sa cp ko, puro GM lang naman (message of their daily lives) tapos puro good morning.. hayy anong good sa morning nang isang taong broken hearted? wala! pano magiging good ang lahat? walang good.. wala dahil may nararamdaman kang sakit sa damdamin mo..
ang sakit ng kalingkingan ay dama ng buong katawan..
oo..damang dama ng buo kong katawan ang sakit.. hayy.. nakakapanglumo.. gusto kong sumigaw.. gusto kong umiyak ng malakas.. pero sadyang di ko kaya, masyado na kong pagod sa lahat ng nangyayari.. gusto ko na ding tumigil..masyado nang maraming sakit ang aking naramdaman.. masyado nang maraming oras ang aking sinayang para sa kanya.. masyado ng maraming alak ang aking nainom.. masyado ng maraming luha ang pumatak..
ayoko nang makadama ng ganito..
pagod na pagod na 'ko..
Blogged @ 9:01 PM |
0 comments

