Paparazzi
Friday, October 5, 2012
Minsan may mga taong makita mo lang siyang masaya, kahit hindi ikaw ang dahilan ng kasiyahan niya, okay ka na din. masaya ka na din.
Alam ko namang wala akong magagawa, hindi kita mapipilit kung ayaw mo.. kaya magkakasya at makukuntento na lang ako sa patingin-tingin sa mga picture mo.
Para kang isang artistang sinusubaybayan ko, ako ang no. 1 fan mo. Kahit hindi mo ko pansinin, kahit parang hangin lang ako sayo, okay lang sakin yun..
Sabi nga ni Sari (Bea Alonzo) sa palabas na The Mistress, "Hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo.."
Blogged @ 8:07 AM |
0 comments

